-- Advertisements --
Tuluyan ng naging bagyo ang namataang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibiity (PAR).
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naging tropical depression ang LPA pasado alas-8 ng gabi.
Tatawagin ito bilang si bagyong “Auring” ang unang bagyo na pumasok ngayong taon.
Magugunitang huling nakita ang LPA sa 200 kilometro sa northern Itbayat, Batanes ng dakong alas-3 ng hapon.