Reading Time: 1 minute

Kanselado ngayong araw ang pasok ng mga estudyante sa buong lalawigan ng Bataan dahil sa masamang lagay ng panahon na dala ng hanging habagat.

Nagdeklara rin ng class suspension ang ilang bayan sa Zambales para sa lahat ng level, sa pampubliko at pribadong paaralan.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ang mga lokal na pamahalaan ng San Antonio, Botolan, Iba, Palauig, Masinloc, Cabangan, Candelaria, San Narciso at Subic.

Posible ring ulanin ngayong araw ang Pangasinan, Metro Manila, Mimaropa, La Union, Benguet, Cavite, Batangas at natitirang bahagi ng Central Luzon.