Reading Time: 1 minute

ROXAS CITY – Arestado sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad ang isang basketball referee sa Barangay San Jose, Dumalag, Capiz.

Kinilala ang drug suspek na si Jhon Lynnon Feren, 27, residente ng naturang lugar.

Narekober sa suspek ang dalawang sachets ng pinaniniwalaang shabu, P500 na buy bust money, P12,000 na cash, 23 riyal, cellphone, motorsiklo at drug paraphernalia.

Ang naturang operasyon ay isinagawa nang pinagsanib na pwersa ng Dumalag Municipal Police Station, Jamindan Municipal Police Station at Provincial Drug Enforcement Unit ng Capiz Police Provincial Office.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.