Reading Time: 1 minute
Magic Johnson jersey
Magic Johnson Jersey

Ibinebenta ngayon sa auction ang “Dream Team” uniform ni NBA legend Magic Johnson.

Ayon sa SCP Auction na ang nasabing uniporme ay suot ni Johnson noong nakakuha sila ng gold medal sa 1992 Olympics.

Itinuturing kasi na ang USA basketball team noong taon na iyon ay siyang itinuturing na pinakamagaling sa lahat.

Binubuo kasi ito nina Larry Bird, Michael Jordan, Patrick Ewing, Clyde Drexler, John Stockton, Karl Malone, Chris Mullin, Scottie Pippen at David Robinson.

Ang uniporme ay suot ni Magic noong August 4, 1992 ng tambakan nila ang Puerto Rico 115-77 at dito nakagawa ang NBA legend ng 13 points at pitong assists.