CAUAYAN CITY– Natagpuan ang isang lalaki na wala nang buhay sa Panganiban street, Centro East, Santiago City.

Ang biktima ay si Reynaldo Callangan Madumba, 49 taong gulang,may-asawa, barker at residente ng nasabing lugar.

Ang wala nang buhay na biktima ay natuklasan ni Ginoong Jose Ting , manager ng isang dry goods store.

Naniniwala naman si Ginoong Emiliano Madumba na namatay habang natutulog sanhi ng heat stroke ang kanyang kapatid.

Dahil dito ay hindi na isasailalim sa pagsusuri ang mga labi ng biktima.