LAOAG CITY – Iginiit ni Barangay Kagawad Abraham Acob ng Barangay Buyon, Bacarra, Ilocos Norte na hindi pa sila naghiwalay ng kanyang girlfriend na residente naman sa Barangay 28, Cabusligan sa nasabi ring bayan.

Aniya, mahigit anim na taon na ang kanilang relasyon at may mga pagkakataon na natutulog siya sa bahay ng kanyang girlfriend na nakilalang si Rosie Angeles.

Subalit nagtaka umano ang kagawad sa pumunta siya sa bahay ng kanyang girlfriend dahil may nakita siyang lalaki na tumakbo papasok matapos niya itong makita.

Sinundan niya ang lalaki na nakilala naman na si Mr. Christopher Pascual, taga Bulacan at dating training coordinator sa isang pribadong paaralan sa Cainta, Rizal at dito na umano sila nagrambolan.

Sinabi pa ng kagawad na ang sinabi sa kanya ni Angeles ay pinsan nito ang dumating pero naghinala ito matapos makita ang picture ng dalawa sa facebook.

Dagdag niya na pumunta sa bahay ng kanyang girlfriend para kumpirmahin kung totoo ang kanyang hinala na maliban sa kanya ay may iba pang karelasyon ang babae.

Tiniyak ni Acob na hindi siya nagpaputok ng baril dahil wala naman umano siyang armas.

Samantala, kinumpirma naman ni Pascual na dalawang taon na ang relasyon nila ni Angeles at hindi nito alam na hindi pa sila naghiwalang ng nasabing barangay kagawad.