CENTRAL MINDANAO – Dead on the spot ang isang barangay kagawad sa pamamaril sa Kidapawan City.

Nakilala ang biktima na si Nasbullah Manibpel, 49, may asawa at brgy kagawad ng Brgy Nuangan, Kidapawan City.

Ayon kay Kidapawan City chief of police, Lt. Col. Ramel Hojilla na habang papalabas ang biktima sa kanilang barangay hall sa Purok 1 Brgy Nuangan ng lungsod papauwi na sana sa kanyang tahanan ay bigla itong nilapitan ng isang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama sa gilid ng kalsada.

Tinamaan ang biktima sa tiyan na tumagos sa kanyang likod at agad binawian ng buhay.

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad sa pagpaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.