Magpapatuloy ang 2022 Bar examinations gaya ng orihinal na naka-iskedyul sa buwan ng Nobyembre ayon sa Korte Suprema.
Inihayag ni SC spokesperson Brian Hosaka na magpapatuloy sa November 9, 13, 16, at 20 ang 2022 Bar Exams.
Samantala, sinabi rin ni Hosaka na mayroong 9,916 examinees ang inaasahan para sa Bar exams mula sa 10,075 aprubadong aplikante ngayong taon.
Sa isang bulletin, sinabi ni Bar examinations chair Alfredo Benjamin Caguioa na magpapatuloy ang pagsusulit “maliban sa mga hindi inaasahang pangyayari at contingencies” na maaaring mangailangan ng rescheduling.
Sinabi ni Caguioa na patuloy na gagamitin ng Korte ang Examplify para sa mga pagsusulit, isang secure na programa sa paghahatid ng eksaminasyon.
Nauna nang inanunsyo ng Korte Suprema na sususpindihin ang lahat ng sesyon mula Nobyembre 5, Sabado hanggang Nobyembre 22, Martes para sa Bar examinations.