Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kahalagahan ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika para mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa bahagi ng West Philippine Sea at maging sa Indo Pacific region.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod ng kanilang bilateral meeting ni U.S. Secretary of Defense Pete Hegseth sa Pentagon kahapon Lunes, July 21,2022.
Binigyang-diin ng Pangulong Marcos ang kahalagahan ng bilateral discussions kasunod ng pag iba sa geopolitical dynamics.
Lubos namang nagpasalamat si Pangulong Marcos sa suporta ng U.S. government sa pamamagitan ng joint military exercises at patuloy na modernization effort ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Inalala din ng Pangulo ang naging pagbisita ni Secretary Hegseth sa Pilipinas na kaniyang inilarawan bilang mahalagang simbolo sa PH-US partnership at muling pagpapatibay sa commitment ng dalawang bansa sa Mutual Defense Treaty.
Kasama ng Pangulo sa kaniyang pagbisita sa Pentagon sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Presidential Adviser for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez, Defense Undersecretary Salvador Melchor Mison Jr.
Sa pagdating ng Pangulo sa Pentagon siya ay binigyan ng arrival honor.
Kasalukuyang nasa Washington, D.C. si Pangulong Marcos para three-day official visit mula July 20 hanggang July to 22 batay sa imbitasyon ni U.S. President Donald Trump.
Si Pangulong Marcos ang unang Southeast Asian leader na makakapulong ni President Trump sa kaniyaang ikalawang termino.