Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na maipagkakaloob ang pangangailangan ng mga naging biktima ng kalamidad dulot na malakas na mga pag- ulan at pagbaha.
Sa isang video message ng Pangulo kaniyang siniguro na nakalatag ang lahat ng pangangailangan mula sa rescue at medical teams hanggang sa mga relief goods upang masiguro na maibibigay ang lahat ng panganganilangan ng ating mga kababayan.
Bago pa man magtungo ng Amerika ang Pangulo, nagbigay na ito ng kautusan sa lahat ng mga ahensya na paghahandaan ang pagbaha dahil sa napakalakas na mga pag- ulan.
Direktiba aniya niya sa mga kinauuukulang ahensiya ng gobyerno, makipag- ugnayan sa isat- isa upang tiyakin na ligtas ang ating mga kababayan.
Kasama din sa tiniyak ng Pangulo ang masigurong may transportasyon lalo na ang sapat na suplay ng tubig at kuryente na pawang kailangang kailangan sa gitna ng nararanasang kalamidad.
Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Pangulong Marcos para sa isang official visit kung saan makikipag pulong ito kay US Pres Donald Trump, US Secretary of State Marco Rubio, US Defense Sec of State Pete Hegseth at sa mga business leaders.