-- Advertisements --

Arestado ngayon ang isang puganteng Chinese National na suspek sa isang shooting incident sa Makati noong Oktubre ng nakaraang taon matapos na subukang pumuslit muli pabalik sa bansa sa pamamagitan ng isang backdoor sa Tawi-Tawi.

Mismong si Philippine National Police Chief PGen. Nicolas Torre III ang naganunsyo ng pagkakahuli kay Wang Danyu o alyas Bao Long na may edad na 28 anyos.

Ayon kay Torre, naaresto si Bao Long sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong murder mula sa Makati City Court.

Kwento ng hepe, nakatanggap sila ng isang intel report hinggil dito dahilan para magkasa agad ang mga otoridad ng isang special operations project.

Maliban sa naging pagpatay at pagkakasangkot nito sa naging pamamaril sa Makati City ay lumalabas din sa imbestigasyon ng PNP na mayroon din siyang kinalaman sa pagkidnap sa 14anyos na estudyante sa Taguig City at inuugnay rin sa pagdukot sa isa namang acupuncturist sa Maynila noong 2022.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng PNP sa Camp Crame ang suspek para sa mas malalim pang imbestigasyon hinggil sa kaniyang mga kinasasangkutang kaso.