Nakikipag ugnayan ngayon si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa Indo Pacific Command kaugnay sa paggamit ng mga EDCA sites sa ibat ibang bahagi ng bansa para sa relief and rescue efforts at maging sa mga gagamiting kagamitan.
Ito’y kasunod sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha.
Siniguro naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na 24/7 naka monitor si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang mga concerned government agencies sa sitwasyon ngayon sa ibat ibang bahagi ng bansa kasunod ng walang tigil na pag ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha.
Sa isang video message sinabi ni Sec Teodoro na nasa Amerika din kasama si PBBM kaniyang binigyang diin na kahit wala sila sa bansa nakatututok sila sa sitwasyon.
Ayon sa kalihim na bago pa man sila umalis ng Pilipinas siya binilinan na ng Pangulo na bantayan ng maigi ang relief at rescue efforts at makipag tulungan sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan para sa mga coordinated efforts.
Pina mobilized na rin ng kalihim ang lahat ng assets ng sandatahang lakas para sa rescue efforts para tulungan ang ating mga kababayan na apektado ng malawakang pagbaha.
Inihayag din ni Teodoro na naka preposition na rin ang mga relief goods ng DSWD dahil pinasisiguro ng Panguling Marcos na walang mga kababayan natin ang nagugutom.