-- Advertisements --

Kanselado ang ilang mga flights ngayong Martes, Hulyo 22, dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng habagat at ng dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon sa inilabas na advisory, ito ang mga listahan ng flights na na-cancel ngayong araw, July 22, 2025:

Cebu Pacific Air

5J 744: Manila – Hanoi

5J 745: Hanoi – Manila

5J 747: Hanoi – Manila

5J 901: Manila – Caticlan

5J 902: Caticlan – Manila

Philippine Airlines

PR 593: Manila – Hanoi

PR 594: Hanoi – Manila

Samantala, ilang mga flights naman ang na-divert ngayong araw tulad ng:

Cebu Pacific Air

Article continues after this advertisement
CEB193: Cauayan – Manila (Diverted to Clark)

Air Asia

APG608: Bacolod – Manila (Diverted to Iloilo)

Private

MEDIC5157: Mactan – Manila (Returned to Mactan)

Tiniyak naman ng CAAP, patuloy ang kanilang pagbabantay sa lagay ng panahon at pakikipag-ugnayan sa mga airline at airport authorities para matiyak ang kaligtasan ng air traffic.