-- Advertisements --

Naalis na ang bumagsak na billboard sa Katipunan Avenue sa Quezon City noong kasagsagan ng malakas na hangin at ulan nitong weekend.

Matatandaang malaking billboard ang bumagsak noong Sabado sa gitna ng malakas na ulan at hangin dulot ng bagyong Crising at habagat.

Tumama ito sa ilang sasakyan at nagdulot ng pansamantalang pagsasara ng ilang lane sa C5 southbound malapit sa Ateneo de Manila University.

Walang naiulat na nasaktan, ayon sa MMDA, ngunit naapektuhan ang daloy ng trapiko at kuryente sa lugar.

Agad namang nagsagawa ng clearing operations ang lokal na pamahalaan kasama ang MMDA, Meralco, at iba pang ahensya upang ligtas na matanggal ang debris ng billboard.