Posibleng maging ganap na bagyo ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 24-oras ayon sa state weather bureau.
Patuloy naman ang pag-iral ng Habagat o Southwest Monsoon na magdadala ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa.
Kabilang dito ang Metro Manila, CALABARZON, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Occidental Mindoro na makararanas ng malalakas na ulan na maaaring magdulot ng baha at landslide.
Habang ang Benguet, Tarlac, Marinduque, at Oriental Mindoro ay makakaranas naman ng panaka-nakang mga pag-ulan.
Makakaranas rin ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Cagayan Valley at ang Visayas, nalalabing bahagi ng Luzon, at ilang bahagi ng Mindanao.
Paalala ng weather bureau mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na tuwing may malalakas na thunderstorm.