-- Advertisements --

Higit 350 katao, o mahigit 100 pamilya mula sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City ang inilikas dahil sa epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) na pinalakas ng Severe Tropical Storm Crising (international name: Wipha).

Galing sa mga flood-prone o high-risk areas ang mga inilikas na residente. Kabilang sa mga lugar na ito ang Tumana, Tagumpay Extension, New Greenland, Lumang Palengkeng Ilog, Greenfield, General Luna, Tabing Ilog, at Nasukum.

Kasama sa mga inilikas ang 23 senior citizens, anim na persons with disabilities, tatlong buntis, at tatlong alagang hayop. Dinala sila sa Quezon City Social Welfare Department.

Ayon sa ilang residente, binaha na ang kanilang bahay sa Tumana at batay sa mga social worker ng lungsod, umabot sa bubong ang baha sa ilang lugar sa barangay noong pananalasa ng bagyong Ulysses (2020) at Carina (2024).