Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pagpatiwakal ng isang band singer , sa loob ng isang lodging House sa Molo Iloilo City.

Ang biktima ay kinilalang si Lovely Joy Carreon, 18 anyos ng Pavia Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Chief Master Sergeant Lario Esposo, imbestigador ng Molo Police Station, sinabi nito na iniimbestigahan pa nila kung ano talaga ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima.

Ayon kay Esposo, tinitingnan pa nila kung may foul play sa nangyari o sinadya ng biktima ang pagpapatiwakal gamit ang kumot.

Napag-alaman na ikinagulat ng roomboy ng makita si lovelove na nakabitin , dahil ilang minuto lang ang lumipas ng tumawag ito upang mag-order ng pagkain.