-- Advertisements --

Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang paglimbag ng balota na gagamitin sa halalan sa Mayo.

Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na nagkaroon ng aberya kaya nagpasya ang printing committee na ipagpaliban na lamang ito.

Agad aniya nila aayusin ang nakitang problema at itutuloy na lamang ito kapag naayos na.

Hindi naman binanggit ni Jimenez kung anong uri ng technical issue ang nakita ng printing committee.

Magugunitang inanunsiyo ng Comelec na sisimulan sana ang paglimbag ng balota nitong Enero 19 matapos na naantala na ito ng ilang araw.

Nauna na ring nagsagawa ng inspection ang Comelec sa National Printing Office (NPO) kung saan gagawin ang paglimbag ng balota para sa halalan.