-- Advertisements --

Magsasagawa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng reshuffling sa mga opisyal nito sa mga susunod na araw.

Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, kasabay ito ng gumugulong na evaluation sa performance ng mga pangunahing opisyal ng naturang kawanihan.

Kinabibilangan ito ng mga regional director, assistant regional director, at revenue district officers.

Binigyang-diin ni Mendoza ang pangangailangang magkaroon ng malalimang overhaul sa ilang sistemang ipinapatupad sa ilalim ng naturang opisina, para mapagbuti ang performance ng BIR at lahat ng mga personnel nito.

Kabilang din sa mga tinututukan ngayon ng ahensiya ay ang paglalabas ng Letters of Authority (LOA) at Mission Orders (MO), at ang performance ng bawat field audits.

Ayon sa opisyal, maaaring abutin ang ginagawang pagrepaso ng hanggang tatlong buwan o mahigit pa.

Bilang resulta, ang pansamantalang suspension sa paglalabas ng mga LOA, at MOs ay maaari nang tanggalin sa huling bahagi ng Enero o sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero ng susunod na taon.