-- Advertisements --

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Uwan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), dakong alas -10 ng gabi nitong Biyernes, Nobyembre 7 ng pumasok sa PAR ang mata ng bagyo.

Mayroong taglay na lakas ng hangin ito na aabot sa 120 kilometers per hour at pagbugso ng 150 kph.

Gumagalaw ito ng west northwestard sa bilis na 20 kph.

Maaring makaranas na ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa ng hapon ng Sabado, Nobyembre 8, 2025.