Lalo pang humina ang bagyong Sarah na ngayon ay isa na lamang Low Pressure Area (LPA) na nakalabas na rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).


Mula sa tropical depression kaninang dakong alas-6:00 ng umaga ay naging Low Pressure Area (LPA) na lamang ito kaninang alas-8:00 ng umaga.


Samantala, huling namataan ang sentro ng LPA na dating bagyong Sarah sa layong 635 km North Northeast of Basco, Batanes.


Tinanggal na rin ang lahat ng gale warning sa lahat ng seaboards sa bansa kasabay na rin ng paghina ng Northeast Monsoon.