-- Advertisements --
Bahagyang humina ang Tropical Depression Salome habang patuloy itong kumikilos pa-timog-kanluran sa bahagi ng Balintang Channel.
Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 115 kilometro hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan (19.9°N, 120.6°E).
Ang pinakamalakas na hangin nito ay 45 km/h malapit sa gitna.
May pagbugso ng hangin na hanggang 55 km/h.
Habang ang bilis ng galaw ay 20 km/h pa-timog-kanluran.
Ang lawak ng sirkulasyon ay umaabot hanggang 200 km mula sa gitna.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1:
Batanes
Hilaga at kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Calayan, Dalupiri, Babuyan)
Hilagang-kanlurang bahagi ng Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City)