-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong nasa silangan ng Pilipinas ang taglay nitong lakas sa nakalipas na mga oras.

Pero ayon kay Pagasa forecaster Shelly Ignacio, maaari pa itong lumakas bago ang inaasahang landfall sa Southern Luzon sa darating na weekend.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,910 kilometro sa silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ito na ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Sa pagtaya ng Pagasa, papasok ito sa karagatang sakop ng Pilipinas sa loob ng susunod na 24 oras.