-- Advertisements --

Sumiklab ang sunog sa isang bahagi ng PNP General Hospital sa loob ng Camp Crame, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nangyari ang insidente pasado alas-10 ng gabi nitong Linggo, Agosto 24.

Itinaas sa unang alarma ang sunog ng 10:34 ng gabi at tuluyang naapula ito ng 11:19 ng gabi.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring sunog.