-- Advertisements --

Aabot sampung barangay sa mula sa Regions 2 at 5 ang naapektuhan ni Bagyong “Isang.”

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), may naitala nang 3,627 pamilya o katumbas ng 13,886 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon.

656 pamilya o 1,566 katao mula sa kabuuang bilang ang pansamantala nang nanunuluyan sa apat na evacuation centers.

Labing pitong pamilya naman ang lumikas at nakitira sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Kaugnay nito nakapaglabas na ng higit Php 1.6 Milyon halaga ng tulong ang DSWD sa mga apektadong pamilya.

Batay sa huling ulat ng state weather bureau , nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility kaninang umaga si Tropical Storm “Isang”.

Ang Bagyong “Isang” ay nagdulot ng pagkaapekto sa iba’t ibang lugar sa bansa, partikular na sa Regions 2 at 5.

Sa kabuuan, umabot sa sampung barangay sa nabanggit na mga rehiyon ang direktang naapektuhan ng malakas na bagyong ito.