Nagpaliwanag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa pangunahing layunin ng itinayong rock shed project sa Tuba, Benguet.
Ang naturang proyekto ang binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos nitong araw ng Lingo (Aug. 24) at tinawag na ”walang silbi” dahil halos hindi ito magamit at lalo pang nagdudulot ng pinsala sa lokal na ekonomiya, habang nagiging banta rin ito sa buhay at ari-arian.
Pinundohan ang naturang proyekto ng P264 million, at dinisenyo upang protektahan sana ang mga motorista mula sa mga bumabagsak na bato.
Katwiran naman ni Sec. Bonoan, ang rock shed ay isang mahalagang engineering intervention upang maprotektahan ang mga motorista na dumadaan sa lugar, dahil kilala ito bilang ‘geologically unstable area’, kung saan kalimitang bumabagsak ang mga malalaking tipak ng bato mula sa bundok, kasabay ng malimit na landslide.
Sa katunayan aniya, ilang rock shed na rin ang naitayo sa Marcos Highway sa Tuba, Benguet, at sa probinsya ng Cagayan, at ang mga ito ay epektibong nagsisilbi bilang proteksyon ng mga motorista at mga mamamayan.
Unang bumagsak ang ilan sa mga lupang kinatatayuan ng kontrobersyal na proyekto nitong buwan ng Hulyo dahil sa serye ng landslide dulot ng tuloy-tuloy na pag-ualn.
Ayon kay Bonoan, inatasan na niya ang regional office ng DPWH upang magsumite ng report para sa agarang pag-ayos sa nasirang parte ng rock shed.
Ang pader na komukunekta sa naturang istratura ay nakumpromiso dahil sa gumuhong lupa na kinatatayuan nito, kaya’t nananatili ang banta sa mga napapadaang motorista.