Napanatili ng bagyong Opong ang lakas nito habang patuloy ang paggalaw sa kanlurang timog-kanluran sa karagatan ng Pilipinas.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa 900 kilometer ng Silangan ng Mindanao.
Mayroong taglay ito ng lakas na hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso ng 70 kph.
Inaasahan na sa loob ng 12 oras ay lalapit ang bagyo sa Eastern Visayas at Southern Luzon Areas.
Maaring sa hapon ng Biyernes , Setyembre 26 ay magla-landfall ang nasabing bagyo sa Bicol Region.
Maaaring maabot bilang severe tropical storm category ang bagyo habang ito ay nasa karagatan ng bansa.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga mangingisda na mapanganib pa rin ang paglayag dahil sa lakas ng hangin na dala ng nasabing bagyo.