-- Advertisements --
Lumakas pa at naging tropical storm ang bagyong Nando.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo ng 1,175 kilometer ng East ng Central Luzon.
Mayroong taglay na lakas ng hangin ito ng 65 kilometer per hour at pagbugso ng hanggang 80 kph.
Paiigtingin nito ang habagat habang papalapit sa lupain.
Inaasahan na maitataas ang typoon signal number sa araw ng Sabado , Setyembre 20 sa bahagi ng Luzon.
Patuloy ang paglakas ng bagyong Nando habang ito ay nasa karagatan ng bansa at maaaring umabot ng typhoon category sa araw ng Sabado.