-- Advertisements --
Lumakas ang low pressure area (LPA) na nasa karagatang sakop ng ating bansa at naging ganap itong bagyo.
Ayon sa Pagasa, binigyan nila iyon ng local name na “Ester,” bilang ikalimang bagyo sa loob ng Philippine territory ngayong taon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 845 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ang bagyong Ester nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Samantala, hanging habagat naman ang umiiral sa Southern Luzon at Visayas.