-- Advertisements --

Maaari ng makasakay ng libre sa Light Rail Transit 2 (LRT-2) ang mga mananakay na may National ID tuwing araw ng Miyerkules ngayong buwan ng Agosto.

Kailangan lamang magpresenta ng mga pasahero ng physical national ID o printed/digital copy sa station security personnel para makasakay ng libre.

Ang mga may National ID ay maaaring makapag-avail ng libreng sakay mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at tuwing alas-6:00 ng gabi hanggang alas-8:00 ng gabi simula ngayong araw, Agosto 13 at sa Agosto 20 gayundin sa Agosto 27.

Ayon sa pamunuan ng LRT, ang naturang programa ay sumusuporta sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapalawig pa ang paggamit ng National ID para ma-access ang mga serbisyong pampubliko.

Maliban sa LRT 2, magbibigay din ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng libreng sakay sa mga nabanggit na araw.