-- Advertisements --

Bahagya pang lumakas ang bagyong Emong na kasalukuyang kumikilos sa silangang bahagi ng karagatang sakop ng bansa.

Huling namataan ang sentro ng Tropical Storm “EMONG” sa layong 130 km West ng Laoag City, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 80 km/h.

Nagdadala na ito ngayon ng mga pag-ulan at malakas na hampas ng hangin sa bahagi ng Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.

Isa pang bagyo ang binabantayan sa loob ng PAR at ito ang bagyong Dante na nasa layong 845 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Ito ang may lakas rin ng hangin na umaabot sa 65 km/h malapit sa gitna at pagbugsong umabot sa 80 km/h.

Patuloy itong kumikilos pa North Northwestward sa bilis na 25 km/h habang wala pa itong direktang epekto sa alimang bahagi ng bansa.

Samantala, patuloy namang magdadala ng mga pag-ulan ang southwest monsoon o habagat sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Dito sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Occidental Mindoro, mararanasan ang Monsoon rains dulot ng habagat.

Parehong weather system rin ang iiral sa Western Visayas, Nueva Ecija, Aurora, Quezon,at nalalabing bahagi ng MIMAROPA.

At dahil sa masamang lagay ng panahon, pinag-iingat ang lahat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.