-- Advertisements --

Posibleng palakasin ng bagong bagyong nabuo sa silangan ng Pilipinas ang pag-iral ng hanging habagat.

Ayon sa Pagasa, bagama’t walang direktang hagupit sa lupa ang nasabing tropical cyclone, maaari namang hatakin nito ang umiiral na southwest monsoon.

Kung mangyayari ito, maaaring ulanin ang ilang bahagi ng bansa, partikular na ang mga nasa western section o ang malakit sa West Philippine Sea.

Huling namataan ang sentro ng tropical depression sa layong 2,265 km sa silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph.

Habang ang pagbugso nito ay umaabot sa 70 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.