-- Advertisements --

Sisilipin na ng Bureau of Customs (BOC) kung nakapagbayad ba ng tamang mga bayarin ang mga imported na magagarang sasakayan ni Sara at Curlee Discaya.

Ito ay matapos na ipakita nila sa publiko ang koleksyon nila ng mga mamahaling sasakyan.

Sinabi ni BOC Spokesperson Vincent Philip Maronilla na titignan nila ang mga kumpaniya at mga accredited brokers at kung anong uri ng importation ang isinagawa.

Dagdag pa nito na kapag mayroong problema sa declaration ay magsasagawa na sila ng imbestigasyon.

Magugunitang inamin ng dalawa na sila ay government contractors na nakakuha noon ng P31.5 bilyon na flood control projects.

Ipinagmalaki din ng dalawa na mayroon silang 40 na mga luxury cars.