-- Advertisements --

Hinikayat ni US President Joe Biden ang mga governors at local leaders na huwag munang magmadali na buksan ang ekonomiya.

Ayon kay Biden na matagal pa ang laban ng US sa COVID-19.

Suportado rin nito ang naging pahayag ni Dr. Rochelle Walensky, ang director ng Centers for Disease Control and Prevention na patuloy ang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa US.

Nagtala naman ng 63,239 na bagong kaso ng COVID-19 na kaso kada araw ang US noong nakaraang linggo na mayroong 16% na pagtaas.

Tiniyak ni Biden na ginagawa nito ang lahat ng paraan para tuluyang mapababa ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.

-- Advertisement --