(Update) CEBU CITY – Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa isang menor de edad sa Danao City, Cebu kung saan itinapon ang bangkay nito sa loob ng septic tank.

Batay sa resulta ng medical examination, lumabas na nasa 30 saksak ang tinamo ng biktimang si Thesa Marie Ygay sa kamay ng salarin at manliligaw umano nitong si Jessie Medequillo.

-- Advertisement --

Ayon kay PNP medico legal officer Dr. Benjamin Lara, nasa 13 tama ang tinamo ni Ygay sa leeg; 11 sa kaliwang bahagi ng katawan at dalawang saksak sa kamay.

Posible rin umano na gumamit ng iba’t ibang patalim ang salarin dahil magkakaiba ang laki ng mga sugat na tinamo ng biktima.

Nilinaw naman ni Lara na hindi buntis ang dalaga, taliwas sa suspetsa ng ilan tatlong buwan na raw itong nagdadalang-tao.

Kung maaalala, natagpuan sa septic tank ng isang paaralan ang bangkay ni Ygay.