Kulungan ang bagsak ng isang 25-anyos na babae matapos na batuhin nito ng itlog si Australian Prime Minister Scott Morrison.

Naganap ang insidente habang nasa Country Women’s Association event si Morrison sa Albury City sa New South Wales ng tamaan ng itlog ang ulo nito.

Si Morrison ay mag-iisang taon ng prime minister at siya ay nangunguna sa pangangampanya para sa Mayo 18 national election.

Matapos ang insidente nag-tweet agad ito at nababahala siya sa matandang babae na natumba dahil sa pangyayari.

Mabilis namang inaresto ang hindi na pinangalanang babae at inaalam ng otoridad ang motibo nito sa insidente.