-- Advertisements --

Sa Martes, Abril 6, o sa Miyerkules, Abril 7, pa maaaring matanggap ng mga residente sa National Capital Region (NCR) Plus areas ang ayuda mula sa pamahalaan.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, maaring bukas pa kasi maibababa ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga local government units (LGU) sa loob ng tinaguriang NCR Plus.

Ayon kay Malaya, makabubuti kung financial aid na lang ang pamamaraang gamitin ng mga LGUs dahil mas matagal ang proseso na pagdadaanan kapag “in kind” pa ang ibibigay sa mga low-income families.

Nauna nang sinabi ng Department of Budget and Management na halos 22.9 million low-income individuals ang makakatanggap ng P1,000 sa ilalim ng “dole out program” ng pamahalaan.

Subalit “discretion” na aniya ng mga LGU kung ang ayudang ito ay ibibigay ng in kind o cash.

Kapag cash, hanggang P4,000 ang puwedeng matanggap ng kada low-income family.