-- Advertisements --

Wait and See!

Ito ang tugon ng Palasyo ng Malakanyang matapos hamunin ni Atty Harry Roque ang pamahalaan sa mga patutsadang come and get me.

Sa pahayag ni Roque sinabi nito na palpak ang intelliigence system ng gobyerno, dahil kung tutuusin, alam naman ng mga otoridad kung nasaan siya pero hindi naman siya  magawang arestuhin. 

Dagdag pa ni Roque na ang intel ng gobyerno ay mula lamang sa isang tsismosong Dutch kaya hindi totoo ang impormasyon nitong ipinarating sa Pilipinas na ibinasura ng The Netherlands ang hiling niyang asylum.

Pero bwelta naman ni Palace Press Officer USec. Claire Castro kay Roque na huwag maliitin at ipagwalang bahala ang intelligence assets ng Department of Justice (DOJ).

Binigyang-diin ng Palace official na hindi tini- telegraph ng gobyerno ang mga hakbang na ginagawa nito, tulad ng ginagawa ni Roque sa kaniyang sarili.