-- Advertisements --
Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa mga Filipino na nasa Israel at Iran na lumikas na.
Sinabi nito na mahalaga na sundin kung ano ang inahahayag ng gobyerno lalo na at tumitindi ang labanan sa Israel at Iran.
Giit nito na nakahanda ang gobyerno para sa pagpapalikas sa mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan ng dalawang bansa.
Magugunitang itinaas na ng gobyerno sa Alert Level 3 ang krisis sa Israel at Iran dahil sa patuloy na palitan ng missiles.