-- Advertisements --

Choice ng Pangalawang Pangulo na hindi dumalo sa State of the Nation Address ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa July 28,2025.

Tugon ito ng Palasyo nang mahingan ng reaksyon sa pasabi ni Vice President Sara Duterte sa Kamara na hindi siya dadalo sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pang. Bongbong Marcos sa July 28.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na desisyon ni VP Sara kung ayaw nitong marinig ang mga programa at ginawang trabaho ng Pangulo.

Una rito, sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na nag-abiso ang tanggapan ng Bise Presidente bago pa man ipadala ang formal invitation sa mga opisyal ng pamahalaan, diplomatic corps at VIP guests.

Sa kabila nito, sinabi ni Velasco, bilang protocol, maglalaan pa rin sila ng upuan kay VP Sara na nasa gitna ng gallery o VIP gallery – bukod sa holding room na nakalaan para sa kanya at sa kanyang staff.

Ito ang pangalawang pagkakataon na iisnabin ng VP Sara ang SONA ni PBBM sunod sa hindi pagdalo noong nakaraang taon at pagtatalaga sa sarili bilang “designated survivor”.