Nagpahayag ng pagbati si Vice President Sara Duterte sa kanyang amang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ng Father’ Day kung saan sinabi nito na nais niyang maramdaman ng kanyang ama ang kasiyahan at pride sa kanyang mga anak.
Ginawa ni VP Sara ang mensahe sa The Hague, Netherlands, na ma-interview ito doon at ayon pa dito nagpapasalamat siya sa mga sakripisyo ng kanyang ama, lalo na sa pag-suporta nito sa kanyang pag-aaral.
‘Napakalaki ng investment niya sa aking edukasyon at yun ay binabalik ko din ang aking malalaking pasasalamat,’ aniya.
Sa hiwalay na Fathers Day message na inilabas ng Office of the Vice President (OVP), ipinagpasalamat din ni Vice President Duterte ang lahat ng ama at ama-figures sa kanilang resiliency at pagmamahal sa pamilya.
Binanggit niya ang kahalagahan ng kanilang sakripisyo sa paghubog ng mga responsableng anak at nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan.
‘Ang inyong pagsisikap ay nagpapaalala sa amin ng inyong dalamhati at pagmamahal sa pamilya. At ito rin ang nagiging magandang halimbawa na nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan,’ dagdag ni VP.