Itinaas na ng gobyerno ng Pilipinas ang crisis alert level 3 sa Israel at Iran.
Dahil dito ay hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga manggawang Pinoy na nasa Iran at Israel na tumugon sa panawagan sa voluntary repatraition.
Ang crisis level 3 o voluntary repatriation ay itinataas ng gobyerno ng Pilipinas sa mga bansang may tumitinding kaguluhan.
Mayroong nasa 30,000 na mga Pinoy workers ang nasa Israel na karamihan ay mga caregivers habang mayroong mahigit 1,000 naman ang nasa Iran.
Ayon sa DFA na ang sinumang OFW na intersado na lumikas ay maaaring makipag-ugnayan sa embahada para ayusin ang kanilang pagbalik sa bansa.
Magugunitang ilang linggo ng napalitan ng missile ang Iran at Israel kung saan maraming mga sibilyan na ang naiipit sa kaguluhan.