Personal choice ni Vice President Sara Duterte kung pinili niyang bumiyahe sa ibat ibang bansa imbes pagtuunan ng pansin ang pagbibigay serbisyo publiko bilang isang halal na opisyal.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, no comment ang Malakanyang sa personal na biyahe sa abroad ng pangalawang pangulo.
Giit ni Castro, wala din magagawa ang Malakanyang kung itong personal trips ni VP Sara sa abroad ang kaniyang pinagkaka-abalahan.
Subalit ang palagian nitong biyahe sa labas ng bansa ay posibleng makaka-apekto sa kaniyang obligasyon bilang isang halal na opisyal ng pamahalaan.
Dagdag pa ni Castro nakamasid ang taongbayan at nakikita ng publiko kung ano ang kaniyang ginagawa.
Kung maalala nagtungo sa The Netherlands si VP Sara nuong May 29 hanggang May 31 para ipagdiwang ang kaniyang birthday.
Nagtungo din ang Pangalawang Pangulo sa Quatar at Kuala Lumpur Malaysia at ngayon ay nasa Melbourne, Australia ito para dumalo sa isang pagtitipon duon.