Reading Time: 1 minute
Australia vs Czech
Australia vs Czech/ FIBA image

Pasok na sa semifinals ng FIBA Basketball World Cup ang Australia matapos talunin a ng Czech Republic 82-70 sa quarterfinals.

Nagtulungan sina Patty Mills, Chris Goulding at Andrew Bogut na nagtala ng kabuuang 43 points para makuha ang anim na magkakasunod na panalo.

Itinuring na best player ng laro si Patty Mills na nagtala ng kabuuang 24 points anim na assists at apat na rebounds.

Nahirapan ang Australia matapos na mag-experiment ang Czech ng small-ball combination sa second half.

Ito ang unang pagkakataon na makapasok ang Australia sa semifinals ng torneo na makakaharap ang Spain sa Biyernes.