-- Advertisements --

Hiniling ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang s Department of Justice (DOJ) na ibalik ang kaniyang kasalukuyang kaso ukol sa nawawalang sabungero sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para sa tama at impartial investigation.

Personal na nagtungo si Ang sa DOJ para isumite ang counter-affidavit uko sa kriminal cas gaya ng murder, kidnapping, direct bribery at tampering of passports.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal, na nais ni Ang na pagbigyan ito ng panel of prosecutors na ibalik ang buong kaso sa CIDG.

Dagdag pa nito na kahit mayroong kakayahan ang DOJ na tumulong sa PNP sa case build-up subalit ang imbestigasyon ay pangunahing trabaho ng kapulisan at hindi ang piskalya.

“Mr. Ang is here not only to submit himself to the legal processes but dispel malicious rumor that he already left the country,” wika ni Atty. Villareal.

Hindi naman nais ng kaniyang kliyente na ibasura ang kaso dahil baka kung ano ang magiging iisipin ng mga tao kaya malinaw ang pakay nila na magkaroon ng tamang case build up, patas at impartial investigation.

Nakatakda sa Oktubre 21 ang pagpapatuloy ng preliminary investigation.