WHITE HOUSE 7
Protesters shot with rubber bullets near White House

Kawalan umano ng oxygen o asphyxia ang naging dahilan ng kamatayan ng black American na si George Floyd.

Ito ang lumabas na resulta sa otopsiya na isinagawa ng medical examiner na kinuha ng pamilya ng biktima.

Sinabi ni Dr. Michael Baden, dating New York City medical examiner na kinuha ng pamilya Floyd, dahil sa pagsakal sa leeg ay nawalan ng oxygen ang biktima na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Sumasalungat ang nasabing resulta sa naunang ginawang autopsy ng country medical examiner.

Magugunitang pumanaw si Floyd matapos na ito ay arestuhin ng mga kapulisan Minneapolis kung saan dinaganan pa ito sa leeg gamit ang tuhod ng isang pulis.

Dahil sa nasabing insidente ay sumiklab ang malawakang kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng US.