Tinlakay ng Philippine National Police (PNP), Commission on Elections (COMELEC) at maging ng iba pang additional forces gaya ng militar ang magiging latag ng seguridad sa magiging parliamentary elections sa Bangsomoro Autonomous Region on Muslim Mindanao (BARMM) sa darating na Oktubre.
Sa pagpupulong ay tiniyak ni 6th Infantry Division at Joint Task Force Central ng Philippine Army na sususportahan nila ng buong buo ang pagppaigting ng seguridad bilang pagtugon na rin sa panawagan ng Comelec na mapantiling payapa at ligtas ang botohan sa Oktubre.
Pinagtibay rin sa pagpupulong ang pagkakaisa ng pulisya, militar at ng Comelec para matiyak ang isang mapayapa, maayos at ligtas na parliamentary elections.
Samantala, binigyang diin naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang kahalagahan ng eleksyon sa kasaysayan ng BARMM at ang pangangailangan nito ng suporta mula sa mga lokal na pamahalaan maging sa security sector ng bansa.
Kasama naman sa mga dagdag na tulong para sa pagpapalakas ng seguridad sa gaganaping halalan ay ang iba pang brigade at marine units ng Armed Forces of the Philippines (AFP).