Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa panibagong engkuwentro kagabi sa probinsiya ng Sulu.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander B/Gen. Cirilito Sobejana, nakalaban ng mga government force kagabi ang isang grupo ng Abu Sayyaf habang nagsasagawa ang mga ito ng combat patrols.

Kinilala ni Sobejana ang nasawing bandido na si Taib Mohammad alyas Itay Mohammad.

Inihayag ng heneral na si Mohammad ay siyang supplier ng mga ammunitions ng teroristang grupo sa probinsiya ng Sulu.

Dagdag pa ni Sobejana na ang bandidong namatay ay may existing warrant of arrest.

Sinabi ni Sobejana na nagpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa teroristang grupo

“So far so good. We are sustaining our momentum and gaining more grounds,” mensahe na ipinadala ni Sobejana sa Bombo Radyo.