Boluntaryong sumuko sa mga tropa ng 6th Special Forces Battalion ng Philippine Army sa Patikul, Sulu ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) na nakilalang si Omar Mustamud alyas Abu Kompo.

Ayon kay Wesmincom spokesperson Col. Gerry Besana, isinuko rin ni Mastamud ang kanyang M16 rifle.

Kaagad namang isinailalim medical examination at debriefing ang sumukong bandido.
Si Mastamud ay tubong Lamitan, Basilan at tauhan ni ASG sub-leader Khair Mundos.

Muling hinimok ng Westmincom ang mga rebelde at teroristang grupo na magbalik-loob sa gobyerno at magsimula ng bagong buhay.

“The Western Mindanao Command continuously provide support programs to those who have decided to return to the folds of the law,” mensahe pa ni Westmincom chief Lt. Gen. Arnel dela Vega.