cdeo

CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong double parricide at multiple frustrated parricide ang 70-anyos na lola na itinuturong suspek sa pagpatay sa kaniyang sariling asawa at anak sa Sitio Magpalit, Brgy. Cabalantian, Manticao, Misamis Oriental.

Kinilala ni Manticao Police Station Commander Lt. Chance Ramirez ang mga biktima nga si Luciano Loresca,70 at anak nito na si Elvie Loresca Bagares, 36, may asawa at pawang residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Ramirez, nagkaroon ng problema sa pag-iisip ang suspek na si Vivian Loresca dahil sa sobrang kalungkotan matapos mamatay ang isang anak nito.

Pinatay ng suspek ang mga biktima habang mahimbing ang tulog sa loob ng kanilang bahay.

Kasama sanang patayin ng suspek ang tatlong menor de edad na apo nito ngunit pawang nakatakas.

Hindi inamin ng suspek na siyang ang pumatay sa mga biktima.